^

Police Metro

‘Bayanihan 2’ target ipasa sa special session ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng liderato ng Kamara de Representantes na ipasa sa special session ang panukalang “Bayanihan to Recover As One Act” o “Bayanihan 2” na magbibigay kapangyarihan kay Pangulong Duterte para sa karagdagang pagtugon ng pamahalaan sa matinding krisis sa COVID-19.

 Ang House Bill (HB) 6953 na bahagi ng supplement measure kapalit ng Bayanihan to Heal As One Act ay ipinakilala sa plenaryo noong Hunyo 3 pero dahil nag-adjourn na “sine die” ang Kamara nitong Biyernes ay hindi na ito naipasa sa ikalawang pagbasa.

 Ang HB 6953 na inisponsoran ni Deputy Speaker at Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte ay naglala­yong maglaan ng P162 bilyong standby fund hanggang Setyembre ng taong ito.

 Sa ilalim ng Bayanihan 2, ang mga naapektuhang Pilipino sa panahon ng krisis sa kalusugan dulot ng COVID-19 ay tutulungan ng gobyerno kabilang ang mga nawalan ng trabaho, magkakaloob din ng cash-for-work programs, pagpigil at pagkontrol sa mga malalang karamdaman, programa upang suportahan ang mga naapektuhang sektor at pondo para sa sektor ng agrikultura. Samantala, ang mga estudyante na nahaharap sa matin­ding krisis pinansyal ay makatatanggap din ng tuition fee subsidy.

vuukle comment

BAYANIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with