^

Police Metro

SWS: 77% Pinoys hirap sa kawalan ng sasakyan, pagsasara ng negosyo

Angie dela Cruz - Pang-masa
SWS: 77% Pinoys hirap sa kawalan ng sasakyan, pagsasara ng negosyo
Ito ang lumabas na resulta ng isinagawang COVID-19 mobile survey ng Social Weather Stations (SWS) noong May 4-10 sa may 4,010 respondents na nakausap nationwide o nasa 294 sa Metro Manila, 1,645 sa nalalabing bahagi ng Luzon, 792 sa Visayas at 1,279 sa Mindanao.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nasa 77 porsyentong pamilyang Pinoy ang nakaranas ng matinding hirap pagdating sa kawalan ng masasakyan at pagsasara ng mga negosyo at pamilihan sa panahon ng COVID-19 crisis.

Ito ang lumabas na resulta ng isinagawang COVID-19 mobile survey ng Social Weather Stations (SWS) noong May 4-10 sa may  4,010 respondents na nakausap nationwide o nasa 294 sa Metro Manila, 1,645 sa nalalabing bahagi ng Luzon, 792 sa Visayas at 1,279 sa Mindanao.

Sinasabi sa survey na 77% ng mga pamilyang Pilipino ang naapektuhan sa ginawang pagsuspinde sa public transport tulad ng bus, jeep, taxi at iba pa, o may 40% ang ma­tinding naapektuhan, 37% ang medyo naapektuhan at 22% ang bahagyang naapektuhan.

May 47% ng pamilya na walang sasakyan ang higit na nakaranas ng matindi, 71% sa mga may-ari ng motorsiklo at e-bike; at 54% naman sa mga may-ari ng kotse at iba pang sasakyan na may apat na gulong.

Pinakamatinding dumanas ng hirap ang mga pamilyang nakatira sa Metro Manila na may 81%; Visayas, 78%; Mindanao, 77% at nalalabing bahagi ng Luzon, 76%. Apat naman sa limang pamilyang Pilipino ang matinding naapektuhan ng pagsasara ng mga pamilihan at private businesses.

Ang pamilya sa Metro Manila ay nakatikim ng matinding epekto ng pagsasara ng negosyo at mga pamilihan na may 83%; Visayas, 82%; nalalabing bahagi ng Luzon, 80% at Mindanao, 78%.

vuukle comment

COVID-19

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with