^

Police Metro

Religious gatherings aprub na sa MGCQ

Malou Escudero - Pang-masa
Religious gatherings aprub na sa MGCQ
Ang kumpirmasyon ay ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa televised press briefing sa Davao City kasunod sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Di­seases alinsunod na inilabas ng Resolution No. 43 hinggil sa religious mass gatherings.
STAR/Michael Varcas, file

Pero 50% capacity lang…

MANILA, Philippines — Maaari nang magsagawa ng religious mass gatherings na hanggang 50% capacity sa mga lugar sa buong bansa na nasa ilalim ng modified general community qua­rantine (MGCQ).

Ang kumpirmasyon ay ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa televised press briefing sa Davao City kasunod sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Di­seases alinsunod na inilabas ng Resolution No. 43 hinggil sa religious mass gatherings. 

Pero agad ring nilinaw ni Roque na sa mga lugar na sakop ng modified general community quarantine (MGCQ) pa lamang maaaring magkaroon ng mass gathrerings para sa religious purpo­ses na 50% ang capacity upang matiyak ang social distancing.

“Mabuting balita sa mga gusto nang magpunta sa simbahan. Kahapon po sa mga lugar na MGCQ pa lamang, pupuwede na pong magkaroon ng mass gatherings para sa religious purposes. Pero po hanggang 50% lamang ng sitting capacity,” ani Roque.

Ang MGCQ ay ang mas maluwag na uri ng quarantine kumpara sa general community qua­rantine (GCQ).

Nauna rito, inihayag ng IATF na lilimitahan sa 10 ang maaaring dumalo sa religious mass gathe­rings sa mga lugar na sakop ng GCQ samantalang lima naman sa modified enhanced community quarantine.

Halos lahat ng lugar sa bansa ay nasa MGCQ na maliban na lamang sa Metro Manila, Pangasinan, Cagayan Valley, Central Luzon, Central Visayas, Davao City, at Zamboanga City na nasa ilalim ng GCQ simula noong Hunyo 1.

vuukle comment

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with