^

Police Metro

P1.3 trilyong pondo itutulak ang pagbangon ng ekonomiya

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang makabawi sa pagkalugmok ng Pilipinas dulot nang pananalasa ng COVID-19 ay mu­ling palalakasin ng P1.3 trilyong pondo ng “Accelerated Recovery and Investment Stimulus for the Economy” (ARISE) ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang sinabi ni  House Ways and Means Chair Albay Rep. Joey Sarte Salceda, dahil  ang ARISE umano na dating Philippine Economic Stimulus Act o PESA ay isa sa may mga pinakamalaking suporta mula sa mga mambabatas dahil umabot sa 267 ang co-authors nito makaraang ihain ito sa Mababang Kapulungan kamakailan.

Ayon kay Salceda, ang proposal ay naglalaman ng mahahalagang pamamaraan upang panandaliang makabangon ang ekonomiya at malunasan ang takot ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga kongkretong pagkilos tungo sa matatag na kabuhayan.

Sa P1.3 trilyon na kabuuang pondo ng ARISE, ang P20 bilyon ay para sa malawakang ‘testing’ na tig-P10 bilyon sa 2020 at 2021, kasama na ang pamimili ng mga ‘test kits’, pagtatayo ng mga karagdagang testing centers, at ang pagpapalakas ng ‘contact tracing’ hanggang sa mga pinakamalalayong lugar ng bansa.

Naglalaan din ng P110 bilyon sa wage subsidy sa ilalim ng DOLE at P30 bilyon sa “cash for work” ng DOLE-Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD);P15 bilyon para sa mga estudyanteng apektado ng pandemic; P50 bilyon para sa pagpapautang sa ‘micro, small, and medium enterprises’; P50 bilyon sa zero-interest loans ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

vuukle comment

EKONOMIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with