19 tren, idedeploy ng MRT-3 ngayon
MANILA, Philippines — Sa pagbabalik-operasyon sa pagsailalim ng Metro Manila sa general community quarantine, nasa 19 tren ang ide-deploy ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, sa ganitong paraan ay madaragdagan ang biyahe at madaragdagan ang mga makakasakay na pasahero kahit limitado pa ang kapasidad nito.
Ang kada tren ay tatakbo sa bilis na 40 kilometer per hour sa MRT-3 mainline sa pagitan ng North Avenue at Santolan Stations, at sa pagitan ng Buendia at Taft Stations.
Nakatulong din sa pagdagdag ng train sets at operating speed sa progreso sa rail replacement works ng pamunuan ng MRT-3 sa kasagsagan ng ECQ at Modified ECQ.
- Latest