^

Police Metro

PhilHealth, PHAP gigisahin ng Kongreso

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayon araw ay mag­hahain ng isang resolus­yon si ACT-CIS Cong. Eric Yap para ipatawag ang pamunuan ng Philippine Hospital Association of the Philippines (PHAP) at PhilHealth matapos magreklamo ang mga gru­po ng mga pribadong ospital na hindi pa sila nababayaran ng naturang government agency dahilan para magsara na ang kalahati ng kanilang mga miyembro.

“Gusto naming malaman kung may basehan ba itong reklamo ng PHAP dahil ayon sa report ni Pa­ngulong Duterte, na base sa ulat ng PhilHealth noong nakaraang linggo, nagba­yad na raw sa unang limang buwan ng taong kasaluku­yan ang ahensya ng P37.683 billyon sa insu­rance claims ng mga pribadong ospital”, wika ni Yap.

Pero, iginigiit naman ng PHAP na halos kalahati ng kanilang mga miyembro ay pawang mga emergency rooms na lang ang nag-ooperate dahil sa kakula­ngan ng budget para sa mga operating expenses nito.

Iginiit ni Yap na ka­ramihan ng mahihirap na Pilipino ay PhilHealth card lang ang dala kapag nagtutungo sa ospital para magpagamot at magi­ging malaking problema kapag hindi na tatangga­pin ang PhilHealth card ng mga pribadong ospital kung hindi nagbabayad ang nasabing government health insurance agency sa mga utang nito.

vuukle comment

ERIC YAP

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with