^

Police Metro

36 pa gumaling sa COVID sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 841 na pasyente na ang gumaling sa COVID-19 sa Quezon City (QC) makaraang madagdag ang 36 katao na naka-recover sa naturang sakit.

Ito ay batay sa latest report ng QC Health Department kaugnay ng patuloy na pangangalaga ng lokal na pamahalaan sa mga taga QC na nagpositibo sa COVID-19

Umaabot naman sa 2,127 ang naitalang latest COVID-19 cases at may 177 nasawi sa sakit sa lungsod makaraang may madagdag na dalawang namatay sa virus.

Mayroon namang 34 confirmed COVID-9 patients at apat na suspected probable patient ang kinakalinga ng local quarantine facility sa Hope 1.

May 258 indibiduwal naman na may COVID-19 ang kinakanlong sa Hope 2 quarantine facility at 59 patients naman na pawang nursing mothers at kanilang sanggol ang kinakalinga sa Hope 3 facility.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with