^

Police Metro

‘No test, no trip’ sa tricycle drivers sa Mandaluyong City

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng ‘‘no test, no trips’’ ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Mandaluyong sa kanilang mga tricycle drivers upang matiyak ang kaligtasan nila at kanilang mga pasahero.

Kasunod na rin ito nang magpositibo sa virus ng daan-daang tricycle drivers na isinailalim ng lokal na pamahalaan sa COVID tests kamakailan.

“Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandalu-yong ay papayagan lamang pumasada ang mga tricycle driver kung sila ay sasailalim sa COVID-19 rapid test para na rin sa kaligtasan nila at ng mga pasahero,” anang paabiso ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mandalu-yong City Mayor Menchie Abalos, sa ngayon ay nasa 4,500 sa 7,000 re-histradong tricycle dri-vers ang sumailalim na sa rapid tests na ginawa ng City Health Department noon nakaraang linggo. 

Sa nasabing bilang, lumabas na may 277 tricycle drivers o anim na porsyento (6%) ang nagpositibo sa rapid test. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with