12 stranded Pinoy sa Sri Lanka sinaklolohan ng PH Navy
MANILA, Philippines — Nasa 12 turistang Pinoy at overseas Filipino workers (OFWs) na stranded sa Sri Lanka sanhi ng restriksyon o paghihigpit sa pagbiyahe dulot ng COVID-19 pandemic ang sinaklolohan ng Philippine Navy (PN).
Ayon kay Lt. Commander Maria Christina Roxas, acting public affairs director ng Philippine Navy, pansamantalang huminto muna ang BRP Davao del Sur (LD 602) at BRP Ramon Alcaraz (PS 16) sa Sri Lanka upang sunduin at isakay na pabalik sa bansa ang mga stranded na Pinoy tourists at OFWs.
Ang dalawang barko ng PN ay galing India at naglalayag na pabalik sa Pilipinas nang kanilang tulungan ang mga stran-ded na kababayan.
“These repatriates, who are certified to be negative of the coronavirus disease, are being accommodated aboard LD602,” ani Roxas.
Ang naturang mga barko ay nanggaling sa India matapos unang sunduin ang 18 Pinoy sa nasabing bansa na pawang stranded rin dulot ng pandemic na virus kung saan masusing ipinatupad ang health protocols sa pagsundo sa mga ito.
- Latest