^

Police Metro

Meter reading sa tubig simula Hunyo 1

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwan simula nang ipatupad ang lockdown dahil sa COVID-19, muli na ring magsasagawa ng meter reading sa konsumo ng tubig ang Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc. sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Ito ay makaraang ipag-utos ng Metropolitan Waterworks and Se-werage System (MWSS) sa dalawang water concessionaires na magsagawa ng meter reading sa aktuwal na nagamit na suplay ng tubig ng kanilang mga customers upang masingil lamang ay ang kaukulang bayad batay sa mababasang nakunsumong metro ng tubig.

Nais matiyak ng  MWSS Regulatory Office na ang actual water consumption lamang sa tubig ang babayaran ng publiko noong panahon ng quarantine sa naturang lugar dulot ng COVID-19 pandemic.

Inabisuhan din ng MWSS ang Maynilad at Manila Water na hatiin ang accumulated consumption sa tubig ng mga customer base sa bilang ng buwan na naisailalim sa lockdown.

Bago mag-Agosto 1 ay ang huling araw ng pagbabayad sa singil sa tubig para hindi maputulan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with