^

Police Metro

Guro itinumba ng tandem

Joy Cantos - Pang-masa
Guro itinumba ng tandem
Idineklarang dead-on-arrival sa Guihulngan District Hospital ang biktimang si Basiledes Ledon, 59, ng Larena Street, Brgy. Poblacion ng nasabing lungsod. Siya ay nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang agarang kumitil sa buhay nito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay agad ang isang guro sa pampublikong paaralan nang pagbabarilin ng malapitan ng ri-ding-in-tandem sa Brgy. Poblacion , Guihulngan City, Negros Oriental nitong Biyernes ng gabi. 

Idineklarang dead-on-arrival sa Guihulngan District Hospital ang biktimang si Basiledes Ledon, 59, ng Larena Street, Brgy. Poblacion ng nasabing lungsod. Siya ay nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siyang agarang kumitil sa buhay nito.

 Sa ulat ng Guihul-ngan City Police, alas-6:20 ng gabi habang nasa La-rena Street, Brgy. Poblacion ang biktima nang bigla na lamang sumulpot sa lugar ang dalawang suspek na magkaangkas sa kulay itim at puting Yamaha Scooter Mio na nakasuot ng jacket, bonnet at walang helmet. Saglit na pumarada sa lugar ang mga suspect at agad tinungo ang biktima na nasa bisinidad ng Larena Street saka pinagbabaril ng malapitan.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with