^

Police Metro

865K workers sa audiovisual industry, nawalan ng trabaho

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabunyag sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on finance and economic affairs ni Senator Sonny Angara na tinatayang 865,000 na mga manggagawa mula sa audio visual industry ang naapektuhan sa trabaho dulot ng COVID-19.

Sinabi ni Liza Diño, chairperson ng Film Development Council, apektado ang nasabing bilang ng mga manggagawa na kung saan maaaring  sila ang pinakahu­ling maibalik sa trabaho  o operasyon  ng negosyo dahilan sa mass gatherings

Paliwanag pa ni  Diño, 70 porsiyento ng mga workers sa industry ay freelancers na walang trabaho sa kasalukuyan at nag-allot na rin ng P20 milyon ng pondo para mabigyan ng P5,000 hanggang P8,000 emergency subsidies ang mga apektadong manggagawa sa industriya.

“Ang laki po ang audiovisual industry and ‘yun nga po dahil hindi kami nahahagip ng census studies ng PSA statistics, minsan po ay nakakalimutan ‘yung aming pinagdadaanan at kalagayan ng mga nasa industriyang ito,” pahayag pa ni Diño.

Kabilang sa audio visual industry ay mga manggagawa sa  film, animation, TV, commercials, live events, at manufacturing of audiovisual equipment.

vuukle comment

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with