^

Police Metro

Rice mill na pagawaan ng pekeng sigarilyo ni-raid: 4 Koreano arestado

Raymund Catindig, Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na Korean natio-nals ang arestado matapos salakayin ang isang rice mill na ginawang pagawaan ng mga pekeng sigarilyo sa Naguilian, Isabela kamakalawa ng hapon. 

Ayon kay Brig. Gene­ral Angelito Casimiro, regio-nal police director ng Region 2, unang naaresto ang Korean na si Xlu Zou Wu, 42, nanunuluyan sa Brgy. Batal, Santia­go City at Pinoy driver na si Roger Aparilla, 40, ng Brgy. Gingoog, Misamis Oriental matapos makumpiska ang 649 karton ng mga pekeng sigarilyo sa sinasakyan nilang Fuso WingVan truck (CAZ1548) sa Naguilian alas-3:00 ng hapon nang masabat sa checkpoint ng pinagsanib na puwersa ng Naguilian Police, Isabela Police Mobile Force Company at Isabela Provincial Highway Patrol Team.

Dahil dito, natunton   ng pulisya ang pinagmulan ng mga pekeng sigarilyo matapos salakayin ng mga operatiba ng Isabela Police Provincial Police Office, Bureau of Internal Reve­nue at Nagulian Police ang Lucky J 888 Rice Mill Corp. na pagmamay-ari ng isang Peter Hou na isa ring Korean sa Brgy. Palattao sa nasabing bayan. Tumambad dito ang sari-saring pekeng branded na sigaril­yo, mga makina, kemikal at iba pang kagamitan sa paggawa ng sigarilyo na tinatayang nasa milyun-milyong halaga.

Agad ring inaresto ang iba pang Korean nationals kung saan nakilala ang isa sa kanila na si Steven Tion habang naaktuhan dito ang 195 na Pinoy na gumagawa ng pekeng sigarilyo na pawang nagmula pa sa Visayas at Mindanao. 

vuukle comment

SIGARILYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with