^

Police Metro

Maynila nangangailangan ng doktor at nurses

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mas mapalakas ang kakayahan para malabanan ang pagkalat pa ng coronavirus disease (COVID-19) ay nagbukas ang Manila Health Department ng mga bakanteng posisyon para sa mga doktor at iba pang healthcare workers.

Sinabi ni Manila Ma­yor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na prayoridad nila ngayon ang pagkuha ng mga dagdag na mga healthcare workers kaya hiniling niya sa Finance Committee na maglaan ng kaukulang pondo para rito.

Ayon kay Dr. Grace Padilla, hospital director ng Sta. Ana Hospital/Manila Infectious Disease Control Center, may 30 bakanteng posisyon sila ngayon para sa mga nurses at 10 posisyon para sa mga doktor.  Bukod dito, nanga­ngailangan din sila ng mga medtech personnel.

Prayoridad din ng lungsod ang pagbili ng mga CT scanners, ECG at operating microscopes. 

Kamakailan ay bumili ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng walong digital x-ray machines.

vuukle comment

DOKTOR

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with