DILG: 300 bus sa NCR, balik pasada na sa June 1
MANILA, Philippines — Inihayag ni Interior and Local Gov’t Secretary Eduardo Año na magbabalik na sa operasyon ang nasa 300 bus kasabay ng pagbaba sa general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila sa June 1, 2020.
“Starting June 1, ang DOTr (Department of Transportation) may papabiyahe na rin na bus more or less mga 300 ito to supplement the MRT and LRT because of this adjustment sa configuration ng upuan 50 percent na puwedeng sumakay dun (trains) siyempre kukulangin tayo,” wika ni Año.
Sinabi naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade na ang LRT at MRT trains ay magsasakay ng 10 hanggang 12 porsyento ng passenger capacity nito kada biyahe habang ang Philippine National Railways ay magsasakay ng 35 percent ng kanilang passenger capacity.
- Latest