China posibleng may lunas na sa COVID-19 sa Setyembre - Duterte
MANILA, Philippines — Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na isa ang China sa mga bansa na unang makagagawa ng bakunang magiging lunas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na maaaring maipalabas na sa Setyembre.
“I’m very sure that they will be the first, one of the countries that will be able to come up with the vaccine,” pahayag ng Pangulo.
“The target is September. I think China will be able to distribute, if I’m not mistaken, and the other countries are catching up. Everybody is at it and they are really tying their very best,” dagdag pa ng Pangulo.
Una nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na puspusan ang paglikha ng bakuna ng SinoPharm, ang pinakamalaking pharmaceutical company sa China. Nasa second phase na umano ng trial ang kompanya sa bakuna.
Kasabay nito, inanunsiyo rin ni Duterte ang pagsasailalim sa general community quarantine sa Metro Manila mula sa modified enhanced community quarantine simula sa Hunyo 1, 2020.
- Latest