P10.1 milyong puslit na yosi, nasabat
MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang nasa P10.1 milyong halaga ng puslit na iba’t ibang klaseng sigarilyo sa Port of Zamboanga, Istanbak, Brgy. Lower Calaran, Zamboanga City.
Sa ulat, katuwang ang Zamboanga Police Station 8, nasabat ng Joint Task Force Zamboanga ang nasa 300 cases ng iba’t ibang uri ng sigarilyo na hinihinalang galing sa Indonesia o Malaysia.
Ikinasa ang operasyon makaraan ang impormasyon buhat sa asset ukol sa ilang tao na nagsasagawa ng smuggling sa Lower Calarian malapit sa oil depot.
- Latest