^

Police Metro

Panukalang batas na nagpapalawig sa Bayanihan to Heal as One Act inihain sa Senado

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas na magpapalawig sa validity ng Bayanihan to Heal as One Act hanggang September 30, 2020 ang inihain ni Senate Majo­rity Leader Juan Miguel Zubiri.

Sa ilalim ng naturang batas ay binibigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang problema sa pandemic ng COVID-19.Nakatakdang mag-expire sa June ang naturang batas.

Sa panukala ni Zubiri, nakasaad na kapag pinalawig ang batas, mabibigyang pagkakataon ang pangulo na i-exercise ang realignment ng items sa national budget at iba pa niyang kapangyarihan sa ilalim ng batas.

Ang Bayanihan law ay inaprubahan ng Kong­reso noong March 23 at nilagdaan ni Pangulong Duterte noong March 25.

vuukle comment

BAYANIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with