^

Police Metro

48 sundalo tumba sa COVID-19

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat ng Armed For­ces of the Philippines na may 48 silang sundalo na nadale ng coronavirus disease o COVID-19 na kung saan ang apat dito ay patuloy na ginagamot sa ospital.

Ayon kay AFP spokesperson, Brig. Gen. Edgard Arevalo, sa huling tala ay may 35 na ang gumaling at ngayon ay nakabalik na sa kanilang mga trabaho.

May siyam naman na bagong nakarekober at hinihintay na lamang ang kanilang clearance para matiyak na COVID-19 free na sila.

Samantala, nasa 50 porsyento sa hanay naman ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa Covid-19 ang nakarekober na rin.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng PNP,  nasa 298 police ang kumpirmadong nagpositibo sa Covid-19 at 147 na ang gumaling.

Para maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19 ng iba pang pulis, itinalaga ng PNP ang kanilang Multi-Purpose Center (MPC) bilang isolation ward ng mga personnel na mga nag-duty sa qua­rantine facilities sakaling may mag-quarantine na miyembro ng medical reserve force o MRF at Reactionary Standby Support Force o RSSF na na-assign sa PICC stepdown faci­lity at ULTRA quarantine facility. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with