^

Police Metro

Rider na magdedeliber ng droga sa Chinese timbog sa Makati

Ludy Bermudo - Pang-masa
Rider na magdedeliber ng droga sa Chinese timbog sa Makati
Iprinisinta ng mga pulis ang naarestong delivery rider matapos makumpiska sa kanya ang mga sachet ng shabu na nagkakaha-laga ng P70,000 na umano ay ini­utos sa kanya ng isang Chinese national na ideliber sa isang Chinese kaha­pon ng madaling araw sa Brgy. Bel-Air, Makati City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang rider ng delivery app sa Bara-ngay Bel-Air, Makati City makaraang mahulihan ng droga sa isang Oplan Sita checkpoint kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Peter Symon Obusan, 38, Lalamove rider, residente ng no. 4927 Bayabas St., Valenzuela Extension, Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang parahin ng mga tauhan ng Makati Sub Station 6 at Station Intelligence Section ang motorsiklo ng suspek sa Nicanor Garcia St., Barangay Bel-Air, Makati City dahil sa pi-nagdudahan sa kakaibang oras ng kanyang delivery.

Nasabat kay Obusan ang nasa anim na gramo o mahigit P70,000 na ha-laga ng hinihinalang shabu na nakasiksik sa mga nakatuping paper bag at kahon; drug paraphernalia; at pulang tableta na tinatawag na “scen-ted shabu”; 5 glass tube tooter, sling bag, Huawei cellphone, P550 cash at identification card niya bilang Lalamove service rider, driver’s license.

Sabi ni Obusan sa mga pulis na dadalhin niya ang nasabat na droga sa isang Chinese na tumutuloy sa isang condominium sa Makati.

Ayon sa suspek na binayaran lang siya ng isang Chinese national ng P500 upang ihatid sa isa pang Chinese na nakita ng mga otoridad sa text message sa kanyang cellphone.

vuukle comment

DROGA

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with