Quarantine pass, ‘di na kailangan
Kapag GCQ na ang Metro Manila...
MANILA, Philippines — Sa oras na ibaba na ang Metro Manila sa general community quarantine ay hindi na kailangang magprisenta ng quarantine pass ang mga indibiduwal na pinapayagang makalabas ng kanilang mga bahay.
Ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kasama na rito ang mga frontliners, workers na employed sa ilalim ng otorisadong industriya, senior citizens, at ang mga nasa edad na 21 hanggang 51.
“Hindi na po actually kailangan ‘yun kasi unang-una alam naman po natin na dito sa GCQ mas marami nang allowed lumabas. Either you belong in the workforce of the permitted industries or you will avail the goods and service ng mga ito,” ani Eleazar.
“Kung kayo po ay nandun sa mga mag-a-avail, dapat po i-avail niyo basically dun sa lugar niyo. Hindi pa rin tayo dapat nagko-cross ng mga lugar.”
Inirekomenda rin ng task force sa mga edad 0 hanggang 21 at nasa 60-anyos pataas ay dapat manatili sa kanilang mga tahanan.
Related video:
- Latest