^

Police Metro

SWS: Mayorya ng mga Pinoy lumalabas ng 1 hanggang 3 beses sa isang linggo

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat sa bawat limang Filipino ang lumalabas ng kanilang tahanan ng isa hanggang tatlong beses sa isang linggo upang bumili ng mga panguna­hing pa­ngangailangan lalo na ng pagkain.

Ito ang lumabas sa special Social Weather Station (SWS) mobile phone survey  na kung saan ay tinanong ang nasa 4,010 working-age Filipinos o may edad na 15 taong gulang pataas sa ganitong tanong: “Nitong nakaraang pitong (7) araw, ilang beses po kayo lumabas ng bahay upang gawin ang mga sumusunod?”.

Tatlong mahahalagang aktibidad ang binasa sa mga sinurvey katulad ng pagbili ng pagkain, pagbili ng gamot, at financial transactions.

Base sa mga sagot, 81% ang nagsabi ng lumabas sila ng mula 1-3 beses upang bumili ng pagkain;  98% ang bumili ng gamot, at 98% din ang lumabas ng 1-3 beses para sa financial transactions.

Sa average, ang mga respondents ay lumabas ng 2.6 na beses para bumili ng pagkain, 1.3 na beses para bumili ng gamot, at 1.2 na beses para sa financial transactions.

Ang mga lumabas para bumili ng pagkain ng i-3 beses ay mas mataas sa Balance Luzon na 84%, Mindanao, 82% at Metro Manila, 81%, samantalang 76% naman sa Visayas.

Sa 4,010 na sinurvey, 294 ang mula sa National Capital Region, 1,645 sa Balance Luzon ( Luzon sa labas ng Metro Manila), 792 sa Visayas, at  1,279 sa Mindanao.

vuukle comment

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with