^

Police Metro

NCR, iba pang high-risk areas dapat manatili sa MECQ

Angie dela Cruz - Pang-masa
NCR, iba pang high-risk areas dapat manatili sa MECQ
“The reproduction number of NCR, which is oscillating at around 1.0 rather than showing a discernible decrease, is a sign that it might be premature to relax the MECQ to GCQ (general community quarantine),” ayon kay UP Diliman Political Science Department Assistant Professor Ranjit Rye.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Dahil sa sinasabing mahigit 7,000 na karagdagang tinamaan ng virus ang hindi pa naiuulat ng Department of Health ay dapat manatili sa ilalim ng modified community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) at iba pang high risk areas matapos ang Mayo 31.

“The reproduction number of NCR, which is oscillating at around 1.0 rather than showing a discernible decrease, is a sign that it might be premature to relax the MECQ to GCQ (general community quarantine),” ayon kay UP Diliman Political Science Department Assistant Professor Ranjit Rye.

Nagmula ang pag-aaral sa pagrekomenda ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na gawing general community qua­rantine (GCQ) ang qua­rantine restriction mula sa MECQ simula Hunyo 1.

Maging si Interior Secretary Eduardo Año, sinabi nitong maaaring isailalim ang NCR sa GCQ matapos ang Mayo 31. Napag-alaman din ng grupo na walang pagbabago sa week-to-week na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa NCR sa unang 10 araw ng pagpapatupad ng MECQ, batay sa kasalukuyang datos ng DOH at mas mataas ang average number ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa panahong iyon kumpara sa lima kada araw kada milyong populasyon. Bilang karagdagan nito, mayroong pinakamalaking week-to-week increase sa bagong kaso ng COVID-19 ang mga lungsod ng Makati, Las Piñas at Pasay kung saan tumaas ito sa 170 porsyento, 60 porsyento, at 58 porsyento, kumpara sa nakaraang linggo.

Tumaas din ang mga bagong kaso ng virus sa Maynila, Taguig, Muntinlupa, Caloocan at Pateros.

Ipinapakita rin sa datos ng mga mananaliksik sa UP na mas mataas sa isa ang reproduction number ng kaso ng COVID-19 sa Davao City at Laguna, dahilan upang mapunta ang mga ito sa high-risk category.

Sa pinakahuling tala ng Pilipinas, mayroon nang 14,669 na kaso ng COVID-19. Sa bilang na ito, 3,412 ang nakarekober habang 886 naman ang nasawi.

vuukle comment

MECQ

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with