^

Police Metro

2 Chinese dinakip sa ilegal na COVID clinic sa Makati

Ludy Bermudo - Pang-masa
2 Chinese dinakip sa ilegal na COVID clinic sa Makati

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese nationals ang naaresto ng mga otoridad nang sala­kayin ang kanilang medical clinic at pharmacy na ilegal na nag-ooperate at nanggagamot ng mga hinihinalang COVID patients, kamakalawa ng gabi.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Dr. David Lai, 49, at Bruce Liao, alyas Song­hua Liao, 41, kapwa residente ng Unit-4D One Central To­wer, Makati City.

Dakong, alas-3:30 ng hapon kamakalawa  nang salakayin ang Goldstar Medical Clinic and Pharmacy Corp. na matatagpuan sa Unit 501-506 5th floor ng New Lasema Spa Building sa Sampaloc Street., Makati City.

Ayon kay P/Major Gideon Ines, ng Station Investigation and Detective Management, nagsagawa sila ng inspeksiyon laban sa nasa­bing clinic matapos maki­pag-ugnayan kay Felipe Albayda Jr., ng Makati Health Department Incident Management Team Task Force COVID-19 kaugnay sa impormasyon na ang nasabing establisimyento ay may ilegal na aktibidad tulad ng panggagamot sa suspected COVID-19 patients.

Ang suspek na doktor ay nanggagamot umano ng mga hinihinalang COVID-19 patients sa kabila ng kawalan ng lisensiya na magpraktis sa Pilipinas ng kanyang propesyon at kawalan pa ng permit to operate ng klinika na may medical facility.

Nakumpiska sa klinika ang Rapid Test kits para sa COVID-19 at iba pang medical paraphernalia gaya ng swab sticks, vials at syringes.

May nakuha ring ka­hon-kahong Chinese medicine na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

May dinatnan pa ang mga operatiba na apat umanong pasyente at dalawang staff.

Naniniwala naman si Makati City Police Station chief, P/Colonel Oscar Jacildo na posibleng may kaugnayan ang operasyon ng nasabing klinika sa nadiskubreng underground clinic sa Fontana Leisure Park, sa loob ng Clark Freeport Zone, sa Pampanga noong Mayo 19, 2020.

Halos pareho umano ang operasyon ng dalawang underground clinic sa Fontana at sa Makati na posibleng iisa lang ang nagtayo nito at may iba pang mga nasa likod ng ope­rasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with