Totoy napisak ang ulo sa trak
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 9-anyos na batang lalaki matapos magulungan ng trak ang kanyang ulo nang damputin sa gitna ng kalsada ang nahulog niyang sumbrero naganap,kamakalawa sa Barangay Baracaoit, Gattaran, Cagayan.
Sa ulat, alas-6:00 ng umaga ay angkas ang biktimang si Reyranie James Valle sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang tatay nang liparin ng hangin ang suot nitong bullcap.
Biglang hininto ng ama na si Reynante, 40 ang motorsiklo sa gitna ng kalsada upang damputin ang sumbrero na hindi nakita ang pagdating ng Elf truck na may kargang graba kaya’t nasalpok sila at tumilapon sa kalsada.
Sa kasawiang palad, gumulong ang bata sa kaliwang bahagi ng highway kaya’t nadaanan ng gulong ng trak ang ulo nito na sanhi ng daglian niyang pagkamatay.
Sumuko sa pulisya ang drayber ng trak na si Erickson Gabatino, 37 na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
- Latest