Gun for hire, utas sa drug buy-bust
MANILA, Philippines — Napatay ang isang miyembro ng notoryus na gun for hire group nang mauwi sa shootout ang inilatag na drug buy bust operation sa Brgy. Sto. Nino 3rd, San Jose City, Nueva Ecija,kamakalawa.
Kinilala ang napatay na si Wilson Cariño, miyembro ng Pajares-Diablo gun for hire group na sangkot din sa gun running at pagtutulak ng droga.
Ayon sa ulat, bago nangyari ang shootout, alas-6:30 ng gabi ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad at dito ay natunugan ng suspek na pulis ang kanyang binentahan ng dalawang sachet ng shabu.
Sa halip na magpaaresto ay nanlaban umano ito sa mga pulis kaya’t nagkaroon ng shootout at napatay.
- Latest