5 arestado sa P40 milyong shabu sa Bohol
MANILA, Philippines — Limang drug suspect ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Tagbilaran City at Taliban, Bohol na kung saan ay aabot sa mahigit P40 milyon ang halaga ng shabu ang nasamsam.
Batay sa ulat, apat na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P27 milyon ang nasabat sa isang bodega sa Barangay Tanghaligi sa Talibon na pagmamay-ari ni Jaime Dajao, 44, habang ang dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng P13.7 milyon ay nakuha sa misis nito na si Lelit sa Barangay Dampas sa Tagbilaran.
Unang naaresto si Lelit sa isang buy-bust sa Barangay Dampas sa Tagbilaran City dakong alas 5:00 ng hapon noong Lunes at kasama sa naaresto sina Humpry Cenabre at Chellomae Pesquera, kapwa ng Inabanga at Janelyn Matura ng Dauis na sakay ng Toyota Altis .
Ang pagkakahuli kay Lelit ang naging susi naman sa pagkaaresto kay Dajao nang isagawa ang buybust kung saan binentahan ng suspek ng P2.9 milyon halaga ng shabu ang mga otoridad.
- Latest