^

Police Metro

134 barangay execs, nahaharap sa reklamo vs anomalya sa cash aid

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na umabot na sa 134 ang bilang ng mga opisyal ng barangay na nahaharap sa rekla­mong kriminal dahil sa hinihinalang anomalya sa Social Amelioration Program (SAP) pay-out.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang naturang ng bilang ay 320 porsyentong pagtaas mula noong nakaraang linggo nang maiulat ang 42 opisyal ng barangay na respondent sa reklamong isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG).

“Hindi ninyo matatakasan ang mga panlolokong ginawa ninyo sa pamimigay ng ayuda. Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” saad ni Año.

Giit ng kalihim, 9 na kaso pa ang ihahain ng pulisya sa mga susunod na araw, at sinabing pinabibilis na nito ang case build-up sa 86 na iba pang kaso. Kabuuang 318 na reklamo ang napunta sa PNP-CIDG at sa regional field units nito upang iulat ang maanomalyang aksyon ng mga opisyal ng kanilang mga barangay nang magkaroon ng distribusyon sa SAP.

vuukle comment

CASH AID

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with