170K doktor, puwedeng pumalit kay Duque – Lacson
MANILA, Philippines — Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na may libu-libong health experts sa bansa na maaaring pumalit kay Health Secretary Francisco Duque III na dapat tanggapin ng Malacañang sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
“There are at least 170,000 licensed physicians in the country who can be more competent and honest than him. They are all my candidates for replacement,” ani Lacson.
Inilarawan din ni Senate President Vicente Sotto III ang kanyang ideal replacement para sa opisyal.
“I hope he picks one with health expertise and no business interests,” saad nito.
Matatandaang binatikos si Duque matapos ang kanyang “flip-flopping” na anunsyo tungkol sa ikalawang wave ng COVID-19, ang sinasabing overpriced COVID-19 testing equipment na binili ng pamahalaan at ang kuwestiyonableng testing package ng Philippine Health Insurance Corporation.
Noong nakaraang buwan, ilang senador ang naghain ng resolusyon na humihiling ng agarang pagbibitiw ni Duque dahil sa sinasabing kabiguan nito sa pamumuno sa DOH subalit hindi sinibak ng Pangulo.
- Latest