^

Police Metro

Tulak nanlaban sa drug bust, patay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 37-anyos na hinihinalang tulak ng droga ang nasawi matapos umanong manlaban sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Purok-5, Brgy. San Isidro, Talisay, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na hindi na umabot nang buhay sa ospital dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Arthur Michael Teves alyas “Tonton”, binata, ng Brgy.1 at kasama sa recalibrated regional prio­rity data base sa ilegal na droga.

Sa ulat, alas-10:00 ng gabi nang ilatag ng mga miyembro ng Police Regional Office-5, Regional Mobile Force Batallion at Talisay Police ang buy-bust laban sa suspek at umaktong poseur buyer si Senior M/Sgt. Johnwell Cada Almanzar kasama ang isang impormante at nakipagtransaksyon. Nakahalata naman ang suspek na pulis ang kaharap kaya mabilis umanong bumunot ng kanyang kalibre 45 na baril at pinutukan ang operatiba, pero hindi tinamaan.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para masapol ang suspek sa katawan na agad isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital sa Daet pero idineklara siyang patay ng doktor.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with