^

Police Metro

PhilHealth pinababalasa dahil sa overpriced COVID-19 test packages

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humirit si Senate Minority leader Franklin Drilon na magkaroon ng balasahan sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa gitna ng kontrobresyal na umano’y overpriced sa pagbili ng COVID-19 testing packages.

Ayon kay Drilon, posibleng may kapabayaan sina PhilHealth president at CEO Ricardo Morales at Health Secretary Francisco Duque III, dahil hindi nila inaral kung paano magiging abot kaya ang mga COVID-19 test kits.

Paliwanag pa ng Senador na kung maaari sa Red Cross na P3,500 kada test kits ay dapat sundin din ito ng PhilHealth kaya’t hinala nito na posibleng mayroong grupo sa loob ang nagtatakda ng presyo ng test packages kaya habang wala pa ngayong ebidensiya ay magsagawa muna ng balasahan ng mga opisyal sa loob ng kagawaran.

Ang malinaw sa nga­yon aniya ay posibleng may kapabayaan at pananagutan sina Morales at Duque sa umano’y overpriced na COVID-19 test at kung hanggang saan ito at paano nangyari ay dapat nilang tiningnan ng husto ito dahil sangkot dito ang pondo ng bayan.

Sa ngayon ay ibinaba na ng PhilHealth sa P4,200 ang testing package mula sa P8,150 matapos ang mga alegasyon ng overpriced dito.

vuukle comment

COVID-19

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with