^

Police Metro

Liquor ban pinalawig sa Navotas

Doris Franche - Pang-masa
Liquor ban pinalawig sa Navotas
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, nakasaad sa City Ordinance No. 2020-23, na nag-amyenda sa ordi­nansa tungkol sa pagsusuot ng face mask, na lahat ng mga tao sa mga pampublikong lugar sa Navotas ay kailangan sumunod sa 1-2 metrong social distancing.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nagpasa ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng ordinansa para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng polisiya sa social distancing at mapalawig ang liquor ban sa lungsod bilang bahagi ng panlaban sa COVID-19.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, nakasaad sa City Ordinance No. 2020-23, na nag-amyenda sa ordi­nansa tungkol sa pagsusuot ng face mask, na lahat ng mga tao sa mga pampublikong lugar sa Navotas ay kailangan sumunod sa 1-2 metrong social distancing.

Kasama ito sa polisiya na lahat ng mga residente na lalabas ng bahay ay dapat nakasuot ng face mask o kaparehong gamit pamproteksyon.

Ang kumpulan ng mga tao na lagpas sa iti­nakdang bilang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Di-seases (IATF) ay ituturing na paglabag sa ordinansang ito. 

Ang mga susuway ay magkakaroon ng mul-tang P250 at walong oras na community service para sa unang paglabag, P500 at 16 oras na community service para sa ikalawang paglabag, at P750 at 24 oras na community service para sa ikatlong paglabag.

Iniutos din ng pamahalaang lungsod ang pagpapalawig ng liquor ban batay sa City Ordinance No. 2020-24 na bawal bumili o magbenta ng mga inuming may alkohol habang umiiral ang community quarantine.    

Ang mga lalabag ay papatawan ng P1,000 multa o 1-araw na pagka­kulong sa unang pag­labag; P3,000 mula o 5-araw na pagka­kulong sa pangalawang paglabag; at P5,000 multa o 10-araw na pagkakulong sa pa-ngatlong paglabag. Ang mga establisimiyento na susuway sa ordinansa ay maaaring mawalan ng business permit o isara.

vuukle comment

LIQUOR BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with