^

Police Metro

87% Pinoys natatakot tamaan ng COVID – SWS

Mer Layson - Pang-masa
87% Pinoys natatakot tamaan ng COVID � SWS
Sa COVID-19 Mobile Phone Survey, lumabas na 87 porsyento ng mga Pilipino ay nangangamba na mahawa ang sinumang kaanak ng COVID-19.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nababahala ang ma­yorya sa mga Filipino na ta­maan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa COVID-19 Mobile Phone Survey, lumabas na 87 porsyento ng mga Pilipino ay nangangamba na mahawa ang sinumang kaanak ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 73 porsyento ang “worried a great deal” habang 14 porsyento naman ang “somewhat worried.”

Labintatlong por­syento naman ang nagsabi na hindi nababahala na maaapektuhan ng COVID-19 pandemic kung saan pitong porsyento ang “worried a little” at pitong porsyento rin ang “not worried.”

Kumpara sa mga naunang isinagawang survey, mas mataas ang bilang ng mga Filipino na may pa­ngamba na magpositibo sa COVID-19 kumpara sa mga sumusunod na sakit: Ebola noong 2014; Swine Flu noong 2009; Bird Flu noong 2006 at 2004; at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) noong 2003.

Lumabas sa survey na mas maraming residente sa Metro Manila ang nababahalang madapuan ng nakakaha­wang sakit na may 93 por­syento at sa Visayas na may 91 por­syento kumpara sa Min­danao na may 85 por­syento at Ba­lance Luzon na may 84 porsyento.

Mas mataas din ang nababahalang Filipino ukol sa COVID-19 kum­para sa mga Britons, Australians, at Americans, base sa kaparehong survey.

vuukle comment

COVID-19

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with