^

Police Metro

Bahay ng konsehal na ‘utak’sa pagpatay sa 4 dayo, ni-raid

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasamsam ng awtoridad ang mga matataas na kalibre ng baril at mga bala sa bahay ng isang konsehal na itinuturong mastermind sa pagpatay ng apat na dayo sa kanyang bahay sa Brgy. Pacac, Grande, Amulung, Cagayan noong Biyernes.

Ayon kay Cagayan Police Director Col. Ariel Quilang, isang cal.5.56 Bush Master sniper rifle, dalawang shotgun at sari-saring mga bala ang nakuha ng pulisya sa bahay ni Amu­lung Councilor Joey Bargado, 50, sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Amulung-Iguig MCTC Judge Salvador Campos.

Matatandaan na si­nampahan ng kasong four counts of murder si Bargado at umano’y hitman nito na si Jojo Vergara kaugnay sa pagpatay noong Huwebes kina Christian Kaibigan at Joel Bolado ng Balintawak, Lipa City; Michael Eugine Romero at Rommuel Quia­nan na pawang mga taga Quezon City.

Ang mga nasamsam na armas ay isasailalim sa pagsisiyasat ng crime laboratory kung ang mga ito ang ginamit sa pagtumba sa mga biktima. 

Magugunita na ang apat na nakalusot sa COVID-19 checkpoint papasok ng Cagayan gamit ang food pass ay natagpuang tadtad ng bala sa loob ng isang kotse na inabandona sa bayan ng Piat.

Natukoy ang konsehal at si Vergara sa litrato nila kasama ang mga biktimang nag-iinuman sa bodega nito sa Amulung na ipinadala sa cellphone ng misis ng isa sa mga biktima bago sila nadiskubreng patay.

Sinisilip ang onsehan sa transaksyon ng ibinebentang sanglang sasakyan ang tinitingnang anggulo ng mga imbestigador sa krimen.

vuukle comment

RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with