^

Police Metro

Baragay sa Magallanes, Cavite ni-lockdown

Cristina Timbang - Pang-masa

Umuwing frontliner positibo sa COVID

MANILA, Philippines — Isinailalim sa lockdown ang isang barangay sa bayan ng Magallanes, Cavite matapos na kumalat at mabilis mahawa ang may 18 katao na nakasalamuha ng isang frontliner na umuwing positibo pala sa COVID-19 kamakalawa.

Sa Facebook page ni Magallanes Mayor Jasmin Bautista, malungkot nitong ibalita na isinailaim na lockdown ang isang barangay sa kanilang bayan at pag-isolate sa 18 katao dahil sa posibleng na-expose sa isang frontliner na positibo sa virus.

Nabatid na umuwi ang nasabing frontliner sa kanilang bahay nitong Mayo 20, habang hindi pa lumalabas ang resulta ng kanyang COVID swab test kung saan inakala nitong negatibo siya sa virus dahil limang araw na umano ay wala pa rin balitang ibinibigay sa kanya. Kung kaya tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho bilang frontliner, subalit pagpasok nito kinabukasan ay nakatanggap siya ng tawag na positibo siya sa COVID-19.

Ang frontliner ay isang lalaki na taga Brgy. Urdaneta at ika-anim na araw pa bago nalaman ang kanyang resulta. Kahapon lamang ng alas- 4 ng hapon nang malaman sa kanilang barangay at kapitan na positibo sa nasabing sakit ang frontliner kung saan marami na umano siyang nakasalamuha ng mga nagdaang araw.  

Dahil sa pangyayari, nagpatupad ng lockdown ang buong Brgy. Urdaneta at napag-alaman na may 18 katao na pawang kaanak ang kinailangan ma-isolate at susuriin dahil direkta silang nakasalamuha ng nasabing frontliner.

 Magsasagawa rin ng mabilisang swab testing para sa iba pang mga residente.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with