Task force binuo ni Mayor Joy Belmonte sa food security ng Quezon City sa COVID crisis
MANILA, Philippines — Binuo kahapon ni Mayor Belmonte ang Quezon City-Food Security Task Force (QC-FSTF) na titiyak sa food security ng mga mamamayan sa lungsod kasabay ng nararanasang COVID crisis sa bansa.
“We’ve seen our people struggle to put food on their table these past two months. Our idea is to strengthen our capability of producing our own food as a city and meet the needs of every family as we move forward,” pahayag ni Belmonte.
Ayon kay Belmonte, ang task force ang magpapalakas sa kapabilidad ng lokal na pamahalaan na makapag produce ng kanilang sariling pagkain sa panahon ng krisis.
Una nang nakipagkasundo ang QC government sa Department of Agriculture (DA) para magkasamang mapagtagumpayan ang urban agriculture initiatives na eengganyo sa mga taga-QC na pumasok sa home gardening, community nurseries, at urban aquaculture para mapalakas ang household food security.
Ang Task Force ay may mandato na bumuo ng city’s food security plan para sa mga lugar na akma sa pagkakaroon ng urban farming, pagkakaroon ng ugnayan sa agricultural provinces at sa pagpapasigla ng agriculture zones at food zones para sa pagkakaroon ng direct trade at value-added processing ng mga pagkain.
- Latest