^

Police Metro

P162.7 milyong supplemental budget ng Bulacan vs COVID, pasado na

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagtibay na ng Sang­guniang Panlalawigan ng Bulacan ang may P162.7 milyong supplemental budget bilang karagdagang pantustos sa mga pangangailangan ngayong nilalabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan.

Ayon kay Bise Go­bernador Wilhelmino Sy-Alvarado, nagmula ang pera sa Bayanihan Grant to Provinces ng Department of Budget and Management.

Layunin nito na aga­payan ang mga pamahalaang lokal para sa mga gastusin ngayong may pandemya. 

Base sa inihaing tala­an ni Gob. Daniel Fer­nando ng mga gagastusan, pinakamalaking bahagi sa naturang budget ay ilalaan sa maintenance at iba pang operating expenses kung saan nakapaloob dito ang P89.3 milyon sa medical supplies, P29.5 milyong piso para sa drugs and medicines supplies at 5.7 milyong pisong pagkukumpuni ng mga pasilidad na kakailanganin bilang isolation facilities. 

Kabilang naman sa capital outlay ang P16.3 milyon para sa karagdagang hospital equipment partikular na para sa operasyon ng Bulacan Infection Control Center habang may P11.5 milyon para sa pagtatayo ng isang Bio-Molecular Laboratory. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with