^

Police Metro

Buy-bust: 2 ‘NBI Asset’ utas, P81 milyon shabu nasamsam

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa
Buy-bust: 2 �NBI Asset� utas, P81 milyon shabu nasamsam
Dead-on-the-spot ang mga suspek na kinila­lang sina Ryan Labandaria at Ervyn Querubin, kapwa nasa hustong gulang, matapos magtamo ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang bigtime drug persona­lity na asset umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bumulagta nang makipag-engkuwentro sa mga otoridad at nasamsam sa kanila ang tinatayang mahigit P81 milyong halaga ng shabu, sa buy-bust operation sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang mga suspek na kinila­lang sina Ryan Labandaria at  Ervyn Querubin, kapwa nasa hustong gulang, matapos magtamo ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Alas-7:00 ng gabi ng Biyernes sa kahabaan ng C6 Road, Barangay Lo­wer Bicutan, Taguig, nang maganap ang engkuwentro sa gitna ng operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Special Operations Unit ng PNP-Drug Enforcement Group sa pangunguna ni P/Lt. Colonel Glenn Gonzales, Regional Special Ope­rations Group (RSOG), Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), Regional Intellience Division (RID) sa pamumuno ni P/Col. Remus Medina, District and Intelligence Division at Taguig City Police Station sa pangunguna naman ni P/Col Celso Rodriguez.

Nakipagkita ang poseur-buyer sa mga suspek at dala ang P1-milyong buy-bust money subalit nang mahalata ng mga suspek na pulis ang katransaksyon ay mabilis na sumakay sa isang pick-up truck at iniwan ang kanilang kotse saka nagtangkang tumakas.

Nauwi sa engkuwentro ang operasyon nang paputukan ng mga suspek ang police mobile na tumutugis sa kanila na ikinasawi ng dalawang suspek.

Nakarekober ang nasa mahigit-kumulang 12 kilo ng shabu na nakasilid sa mga Chinese tea bag na tinatayang nasa P81,600,000 ang halaga nang rikisahin ang mga naiwang ebidensya na isang Toyota Altis, at isang Nissan Navarra. Nakuha rin dito ang isang kalibre .45 baril at isang KG9 Sub-machine gun at ang P1-M buy-bust money.

vuukle comment

NBI

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with