^

Police Metro

‘GCQ’ sa NCR ihihirit sa Metro Mayors meeting

Ludy Bermudo - Pang-masa
�GCQ� sa NCR ihihirit sa Metro Mayors meeting
Sinabi ni Olivarez na naiipit ngayon ang Metro mayors pagdating sa economic side at sa health issues simula pa sa naging pulong nila noong Mayo 9 o limang araw matapos ang ipinatupad na modified enhanced community quarantine MECQ sa buong NCR at Laguna.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Inaasahang ihihirit na sa nakatakdang pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC) na ipasailalim na sa gene­ral communi-ty quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR).

Ayon kay MMC chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, sa kanyang pananaw ay nais na niyang mailagay sa GCQ ang Metro Manila sa Hunyo 1 dahil sa matinding epekto sa ekonomiya ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Olivarez na naiipit ngayon ang Metro mayors pagdating sa economic side at sa health issues simula pa sa naging pulong nila noong Mayo 9 o limang araw matapos ang ipinatupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa buong NCR at Laguna.

Nabatid kay Olivarez na magkakaroon sila ng “urgent meeting” sa Miyerkules ang MMC na binubuo ng 17 alkalde upang pag-usapan ang kanilang gagawing rekomendasyon kung palalawigin pa ang MECQ sa NCR hanggang Mayo 31 o ibababa na nila ito sa GCQ.

“Preferably, we will have again an urgent meeting in Metro Manila Development Authority office on Wednesday, five days before the lifting to MECQ in the metropolis, “ ani Olivarez.

Magugunita na unang kumontra si Olivarez sa mga panukala ng mga kapwa mayors na isailalim na sa GCQ ang Metro Manila dahil sa pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan ang sentro ay nasa NCR.

vuukle comment

GCQ

METRO MANILA COUNCIL

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with