^

Police Metro

SWS: 4.2 milyon pamilyang Pilipino nakararanas ng gutom sa COVID-19 crisis

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumabas sa pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) kamakalawa na  umakyat na sa 4.2 milyong pamilyang Pinoy ang nakararanas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan sa gitna ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

Sa COVID-19 Mobile Phone Survey na isi­nagawa mula May 4-10, lumalabas na dumoble sa 16.7 porsyento nga­yong May 2020 ang mga pamilyang nagugutom kumpara sa 8.8 porsyento noong Disyembre  2019.

Napag-alaman din sa survey na 99 porsyento ng pamilyang Pilipino ang nakatanggap na ng food aid buhat pa noong sumiklab ang COVID-19 sa Pilipinas.

Batay ito sa pinasagutang tanong na “Nitong nakaraang tatlong buwan, nangyari po ba kahit minsan na ang inyong pamilya ay nakaranas ng gutom at wala kayong makain?” sa isang pa­nayam gamit ang mobile phone sa 15-anyos pataas kung saan 294 ang mula sa Metro Manila; 1,645 sa Luzon; 792 sa Visayas; at 1,279 naman sa Mindanao.

Sa ulat, 3.5 mil­yon ang nakararanas ng “moderate hunger” habang nasa 699,000 naman ang nakararanas ng “severe hunger”.

Kung titingnan ang depinisyon ng SWS, ang moderate hunger ay nakararanas ng isang beses hanggang pailan-ilang gutom habang ang severe hunger naman ay madalas nakararanas ng gutom.

vuukle comment

COVID-19

PANDEMIC

SWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with