^

Police Metro

Duque hindi sisibakin ni Duterte

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mananatili pa rin sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng kontrobersiyal na pahayag nito na kasalukuyan nang nasa 2nd wave ng coronavirus disease (COVID-19) ang bansa na pinalagan naman at ikinagulat ng mga eksperto.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sasagutin ng Kalihim ang mga alegasyon laban sa kanya sa tamang forum at hayaan na munang gawin nito ang kanyang trabaho habang nahaharap sa global health emergency ang bansa.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na kailangang may managot para sa pagbibigay kalituhan sa lumabas na ang bansa ay nasa second wave na ng COVID-19 infections.

Magugunita na kamakailan ay iniulat ni Duque sa idinaos na Senate hearing ukol sa COVID-19 situation na ang bansa ay kasalukuyan ngayong nahaharap sa second wave ng infections. Agad namang binawi nito ang kanyang naging pahayag.

Inamin ni Sec. Roque na ang pahayag ni Sec. Duque ay nagdulot ng “fear and panic” sa mga mamamayan na nag-aalala lalo pa’t nahaharap ngayon sa COVID-19 pandemic.

Ani Sec. Roque, bilang abogado at dating party-list lawmaker ay tinanggap ng Malacañang ang pagbawi ni Sec. Duque sa kanyang naunang pahayag at ang nangyari ay kahalintulad ng sa doktor na may iba’t ibang interpretasyon sa available data.

vuukle comment

COVID-19

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with