3 sanggol kabilang sa 5 bagong nasawi sa COVID-19 sa Cebu
MANILA, Philippines — Nakapagtala ng limang panibagong bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Cebu at tatlo dito ay sanggol.
Sa datos mula sa Department of Health in Central Visayas (DOH-7), tatlong sanggol ang nasawi matapos magpositibo sa sakit.
Kabilang dito ang isang bagong silang lang na sanggol sa Cebu City na maituturing na “youngest fatality” sa Cebu dahil sa COVID-19.
Ayon sa DOH-7, septic shock ang ikinasawi ng bagong silang na sanggol pero kalaunan ay nagpositibo ito sa COVID-19.
Ang iba pang panibagong nadagdag sa bilang ng nasawi ay isang five-month-old mula sa Lapu-Lapu City, at isang one-year-old, at dalawang lalaki na edad 62 at 94 mula Cebu.
- Latest