^

Police Metro

Pagbubuwis sa FB, Netflix, iba pang digital services, lilikom ng P29.1 bilyon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang makabangon ang sumadsad na ekonomiya ng bansa dulot ng krisis sa COVID-19 ay inaasahang makakalikom ng tinatayang P 29.1-B kada taon ang digital economy tax bill na isinusulong ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.

Ang House Bill (HB 6765) An Act Establishing a Fiscal Regime for the Digital Economy ay isinulong ni Salceda sa Kamara kamakailan na naglalayong mapakinaba­ngan ng pamahalaan ang mga buwis na makokolekta sa digital economy ng bansa.

Kabilang naman sa mga witholding agents sa mga e-commerce platforms ay ang Lazada na nagbebenta ng mga produkto sa online kung saan makakatulong ito sa gobyerno sa pagkolekta ng VAT mula sa mga sellers na nasa ilalim  ng nasabing online shopping.

Oobligahin din ng nasabing panukalang batas ang mga ‘digital service providers’ tulad ng Facebook, Google at Netflix na magkaroon  ng sa­ngay na tanggapan o kasosyong partner bago ang mga ito pahintulutang maging digital advertising platform.

Ayon sa kongresista, dapat ding magbayad ng VAT at Corporate Income Tax (CIT) ang mga kinauukulan dahil malaking halaga ang kinikita ng mga ito sa bansa sa rami ng mga tumatangkilik sa nasabing mga online application.

Kabilang din sa  mga layunin ng HB 6765 na gawing withholding agents ang mga network orchestratorstulad ng Angkas, Grab at iba pa para sa income taxes ng kanilang mga partners at maging ang electronic tran­saction na may pataw rin sa VAT.

vuukle comment

BUWIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with