^

Police Metro

Ex-tanod na nagnakaw ng gatas para sa anak, itinumba

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ang pagpatay sa isang dating barangay tanod sa ginawa nitong pagnanakaw ng gatas para sa anak noong nakaraang buwan matapos na siya ay pasukin sa bahay at pagbabarilin kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang biktima na namatay noon din ay nakila-lang si Arsenio Guzman Jr., nasa hustong gulang, dating barangay tanod at construction worker na nakatira sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Sa ulat, alas-10:00 ng gabi ay matutulog na sana ang biktima nang pasukin siya ng apat na hindi pa nakikilalang lalaki at pinuwersa palabasin ng bahay.

Nagpumiglas ang biktima kaya’t agad na pinagbabaril sa ulo at katawan na nagresulta ng agaran niyang kamatayan.

Hindi namukhaan ng mga kaanak ang mga salarin, na pawang mga nakasuot ng face mask.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa tunay na motibo ng pagpatay sa biktima.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with