^

Police Metro

Jinggoy nagpaliwanag sa NBI sa pamimigay ng bangus

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpaliwanag na si dating senador Jinggoy Estrada sa National Bureau of Investigation (NBI) ukol sa pagkakahuli nito sa San Juan matapos na magsagawa ng pamimigay ng relief goods sa mga residente rito.

Personal na nagtu­ngo si Estrada sa NBI at isinumite ang kaniyang paliwanag kay NBI De­puty Director for Investigation Service Vincent De Guzman kaugnay sa pamamahagi niya ng ba­ngus sa mga residente ng  Barangay Salapan, San Juan City noong Mayo 3.

Ito ay dahil sa umanoy paglabag ng senador sa quarantine protocols  habang namimigay ng isda kung saan nalabag umano ang social distancing.

Kalakip ng sulat ni Estrada sa NBI ang kopya ng quarantine pass at litrato na patunay na mayroong social distancing na umiral habang ipinamamahagi ang mga bangus.

Ayon sa dating senador, ga­ling sa kaniyang ina ang mga bangus na may pa­laisdaan sa Zambales na kaniyang ipinamigay sa mga residente dahil ayaw niyang mabulok.

Bukod dito, nakasuot din aniya siya ng facemask at nakasuot ng PPE.

Binigyang-diin na hindi niya intensyon na lumabag sa anumang batas nang mamahagi ng bangus.

Aniya, wala siyang ibang intensyon kundi makatulong sa mga mahihirap lalo na sa panahon ng pandemya.

Kaugnay nito, nauunawaan din aniya kung tetestigo ang mga pulis ng San Juan dahil dati rin naman siyang alkalde.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with