^

Police Metro

16-Anyos itinanan ng 23-anyos,ni-rape

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng isang 23-anyos na obrero matapos nitong itanan ang umano’y kasintahan na 16-anyos at pagkatapos ay kanyang ginahasa naganap kamakalawa sa Malate, Maynila.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si Benedick Rosling, binata ng F. Torres St., Singalong, Malate, Manila.

Sa ulat ng Malate Police Station, alas-2:10 ng hapon nang arestuhin ng pulisya ang suspek sa kaniyang bahay matapos na magsampa ng reklamo ang ina ng kaniyang biktima.

Sa salaysay ng ina ng dalagita, dati nang itinanan ng suspek ang kaniyang anak noong Abril ngunit agad niya itong nabawi.

Nagkaroon umano sila ng kasunduan na hindi na muling makikipag-ugna­yan sa kaniyang anak dahil sa menor-de-edad ito.

Ngunit hindi sumunod sa usapan ang suspek at muling tangayin ang dalagita na isinakay sa isang tricycle na nakunan ng footage ng ‘closed circuit television camera (CCTV)’ ng barangay ang pangyayari kaya agad na natunton ang suspek na nagresulta ng kaniyang pagkakadakip at kinasuhan ng rape.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with