Marshalls itatalaga sa mga train station at terminals
MANILA, Philippines — Para maipatupad ang social distancing ay magtatalaga ng mga marshall sa train stations at terminals sa sandaling magbukas na ang mass transportation.
Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa pagdinig ng Senate Committee on the Whole kaugnay ng update sa COVID-19 na kung saan ay kasama nila sa security forces ang PNP para sa paglalatag ng transportation marshalls para mangasiwa sa pag-obserba ng mga patakaran at panuntunan ng DOH.
Ang mga marshall upang magtataguyod at magpapakita sa publiko kung ano ang social distancing at magpapatupad ng pagsusuot ng facemask gayundin sa disinfection at sanitation process.
Maglalagay din umano ng mga markers sa loob ng train coaches, stations gayundin sa ticketing at queueing areas.
Nilinaw naman ng kalihim na ang pagbubukas ng mass transportation ay depende sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
- Latest