^

Police Metro

Lider ng criminal gang patay sa engkuwentro

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang lalaki na umano ay lider ng criminal group na sangkot din sa bentahan ng shabu sa lalawigan ng Cavite matapos na ito ay makipagbarilan sa mga otoridad sa drug buy-bust operation sa Rosario, Cavite.

Ang nasawing suspek ay kinilalang si Macris Bautista, 37, ng Brgy. Ligtong I, Rosario, Cavite at nasa watchlist ng pulisya na lider ng Bautista Criminal Group.

Sa ulat, bago ang engkuwentro naganap, alas-9:45 ng gabi sa Barangay Tejeros Convention ay isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakipag-deal sa suspek.

Nang maiabot ang inis­kor ng shabu ay nagbigay na ito ng senyales sa mga nakatagong kasama para arestuhin ang suspek, subalit nanlaban at nakipagbarilan ang supek sa mga pulis at napatay.

Nasamsam sa suspek ang 10 plastic sachets na naglalaman ng mga  shabu na aabot sa 4.70 grams na may katumbas na halagang P35,000, baril na ginamit,mga drug paraphernalias at drug money.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with