^

Police Metro

Walong Chinese na nagpadeliber ng shabu, arestado

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang walong Chinese nationals na pawang mga POGO workers makaraang inguso sila ng isang delivery rider na siyang nagpadeliber ng isang pakete na may lamang shabu, kamakalawa ng umaga sa Ermita, Maynila.

Ang mga inaresto ay kinilalang sina Huang Kang Chen, 26; Pou Di Zhu, 28; Li Jun, 26; Liuhan Yang, 24; Hai Yang, 24; Hou Yaqiang, 31; Tang Shaohua, 29; at Liu Ji Jang, 29, pawang mga nanunulyan sa Brick Stone Hotel sa may MH Del Pilar Street, Ermita, Manila.

Naaresto rin ang isang Pinay na si Ranica Fermiza, 24, dalaga at nakatira sa University Place Residences, sa Taft Avenue, Maynila. Sa ulat,alas-7:30 kamakalawa ng umaga nang maaresto ang mga suspek sa loob ng Room 301 ng Brick Stone Hotel at nakumpiska sa kanila ang nasa 16 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P108,800 at isang kalibre .38 na baril na may limang bala.

Ayon sa pulisya, dumulog sa Paco Police Community Precinct ang La­lamove rider na itinago sa alyas na King at iniulat ang kahina-hinalang pakete na ipinadadala sa kaniya sa may Alabang, Muntinlupa City. 

Naghinala siya nang masulyapan na puting pulbos ang laman ng pakete na pinadala sa kaniya at nang kanilang inspeksyunin ay nagpositibo na shabu.

Muling inatasan ng mga pulis si King na mu­ling kontakin ang nagpadeliber sa kaniya ng pakete at pinabalik naman siya ng kausap niyang Tsino sa hotel kaya sinamahan siya ng mga pulis.

Nang muling tanggapin ng isa sa mga suspek ang pakete buhat kay King, dito na pinasok ng mga pulis ang kuwarto at ina­resto ang mga inabutang siyam na suspek kung saan ilan sa kanila ay nahuli na aktuwal na gumagamit ng droga.

vuukle comment

POGO

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with