^

Police Metro

Rail replacement ng MRT-3, tatapusin sa Setyembre

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hanggang sa huling bahagi ng Setyembre ang target ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) na matapos ang isinasagawa nilang rail replacement activities.

Ito umano ay mas maaaga sa orihinal nilang target na February 2021 completion ng lahat ng rail replacement works. Kumpiyansa ang DOTr-MRT3 na kung matatapos nila agad ang pagpapalit ng mga riles ay makapag-o-operate na ang kanilang mga tren sa bilis na mula 30 ay magiging 60 kilometers per hour, pagsapit ng Disyembre.

“Buhos trabaho tayo sa paglatag ng mga bagong riles. Ang sabi po ng mga kontratista natin, we are on time sa paglatag ng bagong riles. In fact, noong huling pulong ko sa kanila, sinabi nilang pipilitin nilang tapusin sa buwan ng Setyembre, higit na maaga kaysa sa orihinal na scheduled completion nito sa February 2021,” ani Transportation Secretary Arthur Tugade.

Nabatid na dati ay naisasagawa lamang ang rail replacement works mula 11 p.m. hanggang 4 a.m. lamang, o mga non-operating hours ng MRT3 line.

Gayunman, nang payagan ang rail replacement works ng Inter-Agency Task Force (IATF) noong Abril 6, ang working hours nila ay na-extend sa 7 p.m. hanggang 5 a.m. kaya’t inaasahan na ng MRT3 management na lahat ng rail replacement works ay makukumpleto sa September 30, 2020. Nabatid na sa kasalukuyan ay 36,540 linear meters o 55.45% ng kabuuang 65,892 linear meters ng riles ang napalitan na nila.

vuukle comment

DOTR

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with